09 August, 2008

Pagiging Maka-Bansa


Ang isang ito ay espesyal
Gagamitin ko dito ang linguaheng
Aking nakagisnan
Ang wikang Pilipino
Sa ngayon
Bawal gumamit ng mga salitang dayuhan
Umpisahan na natin

Isa akong mambabasa
Ng mga librong likha
Ni G. Bob Ong
At sa pagbabasa nito
Mas naintindihan ko maigi ang buhay
Dito nabasa ko ang iba't-ibang mundo ng tao
May para sa mga mag-aaral
Para sa sakit ng lipunan
Sa relihiyon
Ang ugali ng tao
Mga istilo ng pagsusulat
At buhay-mahirap
At dahil doon
Susubukan kong isa-isahin ang aking mga
Komento ukol sa mga paksang iyon

Sa pag-aaral
Naisip ko na
Talagang nakaktuwang nakakaawa ang mga estudyante
Nakakatuwa sa aspektong
Parang puro kasiyahan lang sila
Nakakatuwa silang nakitang natutuwa
Lalo na kung nagsasaya sila
At natututo sa pag-aaral
Sa kabilang banda
Nakakaawa sa aspektong
May mga gurong umaabuso sa kanila
'Yung tipong
isang pirasong lapis na lang
Ay gagawin pang proyekto
At sa mga gawain na dapat sa guro pa
Tulad ng pagbabasa
Kung ako ang tatanongin
Oo
Dapat nagbabasa ang estudyante
Subalit ang pagbabasa na iyon ay para lamang
Makasagot kapag nagtanong sa kanila ang kanilang guro
Pero hindi tama para sa akin
Ang pagbabasahin ang estudyante para lamang
Sila na lang magturo sa sarili nila
At hind i ang mga tamad na gurong nagpapabasa na lamang
Pero dahil sa "ABNKKBSNPLAko?!"
Biglang pumasok sa aking isip
Ang maging isang guro
Isang guro na maka-estudyante
Isang gurong pinaglalaban ang karapatan ng estudyante

Sa relihiyon muna tayo
Wala akong gaanong masasabi
Kundi ang isang palaisipan
Totoo ba ang relihiyon?

Ang ugali ng tao
Bawat tao sa mundo ay mayroon kanya-kanyang ugali
Kung minsan ay may nagkakapareho
Pero kahit papaano
Ay may pinagkaiba parin
Pero may isa akong nalaman
Wala sa tao ang kanyang ugali
Kundi nasa tumitingin
Halimbawa?
May isang taong nagsasabi ng kanyang talambuhay
Kung sang ayon ka sa kanya
Matutuwa ka
Mahahabag ka kung ito ay nakakahabag para sa iyo
Subalit kung hindi mo nagustuhan
Sa karaniwang dahilan na
Parang ikaw ang kontrabida sa kanyang kwento
Ang sasabihin mo naman ay
Isa siyang mayabang na walang kayang patunayan
Kundi magyabang
Pero ano ba talaga ang pakay ng taong
Nagsabi ng kanyang talambuhay?
Walang makapagsasabi
Kahit siya
Hindi niya masasabi ang katotohanan

Sa pag-sulat daw nailalabas ang nadarama ng isang tao?
Para sakin
Tama iyon
Bakit?
Ako mismo
Nagawa ko na iyan
Isa din yan sa dahilan ng aking
Pagsulat dito sa pahinang ito
Gusto ko mailabas ang aking naisip
Nararamdaman
At iba pa
Pero bakit may mga sulatin na hindi akma sa bawat situwasyon?
Dahil ang isang sulatin ay may isang eksaktong paksa lamang
May mga diskursong marami ang paksa
Pero hindi ito natutumbok ang dapat matumbok

Buhay mahirap
Dahil salat sa pera?
Hindi lang iyan ang ibig-sabihin ng mahirap
At hindi iyan ang tunay na ibig-sabihin ng salitang iyon
Ang sa tingin kong ibig-ipahayag ng salitang 'yon
Ay ang taong
Kulang sa pagmamahal
Bakit?
Kung wala kang ganon
Halos wala ka nang magagawa sa buhay mo
At ang tanging iisipin mo na lang ay ang sarili mo
Kung mangyayari 'yon
Iba iba na ang magagawa mo
Magagawa mo kahit hindi nadapat
Bakit nila sinasabi ang mahirap ay kulang sa pera?
Sa totoo lang
Walang taong walang pera
Subalit
Hindi lang sila nakokontento sa kung anong meron sila
Lahat ng bagay sa mundo ay may halaga
Edi ang tao ay may halaga din?
Magkakaroon ng halaga ang tao
Kung ituturing mo itong bagay

Ngayon
Bumalik tayo sa sakit ng lipunan
Bakit sakit ng lipunan
Nailagay sa librong
"Balik Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino"
Ang karamihan sa katotohanan ng ating buhay
Mas inuuna pa natin ang dayuhan
Ang iba ay masahol pa
Bukod sa mas binibigyan ng importansya ang dayuhan
Hindi pa siya dito nakontento
Hinihila pa niya pababa
Ang mga kababayan niya
Hindi niya inisip na
Pag hinila niya ang kanyang kababayan
Hinila na din niya ang kanyang sarili
At sa mas nakakahiyang situasyon
Kung ikukumpara sa kanyang hinilang kababayan
Isa pang napansin ko sa libro?
Iba ang laki ng mga salitang
BAKIT
BALIKTAD
PILIPINO
Bakit ko ito sinasabi?
May naisip lang ako
Kaya ba iba ang laki ng tatlong salitang iyon
Ay sa kadahilanang
Nagtatanong ang sumulat ng
BAKIT BALIKTAD ang PILIPINO?

Ito na ang wakas ng aking liham
Maraming salamat sa pagbabasa
Kung may natutunan kayo
Ayos
Kung wala
Ayos lang din
Ang importante
Nakinig kayo sa isang opinyon

"Lahat tayo, nag-gagamitan lang"
--Eraserheads ( Wating )

--marc22fews



3 comments:

~vaLcrie 17~ said...

grabe pare .. iLong-dugo :]
di ko kinaya toh .. haha ..
paalam !!

Ria

lloovvee him said...

noseblid
bro
:))

lloovvee him said...

bro
kaw lage
starring ee
kaya
malaking part ng life ku
huhuh
an drama
:))