31 March, 2009

Walang Kwentang Mga Bagay

"Bakit ba maraming basura sa mundo?"

Magtatagalog ako ngayon
Hindi ko kaya mag-English

Bakit ba naimbento ang mga bagay?
Necessity?
Kahit may nasisira itong ibang bagay?
Kahit maraming hindi sang-ayon dito?
Hindi ba naiintindihan ng gumawa ng bagay n 'yon na marami siyang sinirang buhay?

Alam ba niya kung ano ang epekto nito sa kapaligiran?
Hindi lang sa kalikasan kundi sa mga tao mismo?
Alam ba niya na maraming nasisira ang buhay dahil dito?
Bakit hindi niya magawang makita ang mga nangyayare?
Bulag ba siya?
Wala talagang pakealam?
Galit sa mundo?
Galit sa tao kaya gumaganti sa ibang hindi niya kilala?
Ano?
Ganon na ba siya kasama
Na pati bata sirain niya ang buhay?

Ano ba kalokohan niya?
Bakit ba niya inimbento iyon?
Naiintindihan ba niya ang mga nararamdaman ng mga taong nagmamalasakit?
Malamang sa hindi
Kung oo
Edi matagal na niya tinigil ang kasamaan niya
Kaso sadyang wala siyang kwentang tao
Ginamit parin niya iyon para lang sa sariling interest
Ang pera
Bakit ba?
Madadala mo ba pera mo sa langit o impyerno?
Magbabayad ka ba kay San Pedro para palusutin ka?
Magbibigay ka kay Satanas para iakyat kang langit?
Magpapagawa ka ng casino sa kabilang buhay?
Magtitinda ng ginawa niyang bagay na sumira sa milyon-milyong buhay na inosente?
O sadyang gusto niya lamang na maghari sa lahat?

Gumising ang mga naloloko
Ano ba problema niyo
Lahat tayo biktima
Ako
Ikaw
Sila
Kami
Kayo
Tayo
TAYO
LAHAT TAYO
SIRA ANG BUHAY DAHIL SA ISANG WALANG KWENTANG BAGAY
Papayag ka bang sumaya ng todo ngayon
At durugin ang kaluluwa mo bukas?
MAG-ISIP KA
BAGO KA TAWAGING
TANGA

"Ano ba talaga mas-gusto mo? Ang beer na 'to o ang pag-ibig ko?"
---- Itchyworms ( Beer )

--marc2208eliyha

No comments: